Chapter 27 3rd Person's POV; Lumipas ang mga araw nagising na din sina Janus, Ayen at Agasse maliban kay Irie na mahimbing pa din ang pagkakatulog. "Bakit hindi pa din nagigising si Irie? " may pag aalala na sambit ni Janus habang nakaupo sa gilid ng kama at hinahaplos ang buhok ng kasintahan. "Regan. " ani ni Shiro sa alpha na nakaupo sa mga hita niya. "Dapat gising na siya ngayon. Naabsorb na ng katawan ni Janus ang pheromones niya." "Sirius? Kamusta na si Irie? " tanong ni Ayen sa binata na matamang tinititigan ang katawan ng omega. "May mali. Kinokontrol ni kuya Irie ang pheromones niya. " "Natural lang naman na kontrolin niya yu'n diba. " pokerface na sagot ni Eros. Maya-maya nagpaalam na din ang Jeya kasunod ang kani-kanilang omega. Si Janus at Irie na lang ang natitira sa