CHAPTER 46 Nang sumunod na araw ay nagpasya si Arianna na umuwi na muna sa kanilang bahay. Kahit sabihin pa na hindi man lang nabawasan, bahagya man, ang pag-aalala niya para kay Ronniel ay kinailangan niya rin munang iwan ito sa hospital. She also needs to go home to be with their son. Kagabi nga ay nagdesisyon siyang samahan na lang muna si Ronniel at bantayan ito. Ano mang pilit ng kanyang ama, maging ni Mr. Ricardo Certeza, na umuwi na lang muna siya para makapagpahinga ay hindi siya nagpahinuhod sa mga ito. She wanted to be with him last night. Kaya ngayon ay heto siya sa kanilang tahanan at kasama naman ay si Rafael. Hindi niya rin maiwasang makadama ng awa para sa kanyang anak. Sa murang edad nito ay nakaranas na ito ng karahasan. Though, pinagpapasalamat na lamang niya na ilang