CHAPTER 40 Marahan ang paghithit na ginagawa ni Kier sa sigarilyong kanyang hawak saka niya ibinuga ang usok niyon pataas sa may kisame. Kasalukuyan siyang nakaupo sa may kama habang nakasandal sa headboard iyon ang kanyang likod at mataman lamang na nag-iisip ng sunod niyang magiging mga hakbang. Mataman niyang iniisip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin ngayong nakalabas na siya mula sa kulungan. Mula sa kinasusuklaman niyang kulungan. Nasa isang maliit na bahay na paupahan sila sa may panig ng lugar ng Antipolo. Nang makatakas siya mula sa kulungan ilang araw na ang nakalilipas ay doon dumiretso ang sasakyan na gamit nila nang araw na iyon. Hindi niya alam kung paanong nakahanap si Lyn ng bahay na maaari nilang pagtaguan pansamantala mula sa mga awtoridad. Ngunit ang bahay na kina