CHAPTER 39 "Cornelio! May dalaw ka," wika ng officer na si Nolan Abad mula sa labas ng selda. Bigla ay napalingon dito si Kier nang marinig ang mga sinabi nito. Nakahiga siya sa ibabang papag ng isang double-deck na wala man lang na kutsong nakalatag. Kung siya lamang ang masusunod at papipiliin ay hinding-hindi niya hihigaan iyon. Sa loob ng isang selda ay ilan silang nasa loob na halos magsiksikan na. Halos masuka siya sa lugar na ito dahil sa amoy. And if given a chance ay hindi niya nanaising manatili pa dito. Mula sa pagkakahiga ay naupo siya sa papag at matamang tumitig sa officer na nasa labas ng kanilang selda. Nang mabuksan nito ang bakal na siyang dahilan para hindi sila makalabas ay agad na siyang tumayo at sumunod dito sa paglalakad. Paliko na sila sa isang pasilyo na patun