CHAPTER 38 Matulin na lumipas ang mga araw. Matapos ng gabing iyon ay ilang ulit niya pa na nakasama si Ronniel sa pagbabantay sa kanilang anak sa ospital. Sa tuwing umaga bago ito pumasok sa trabaho ay dumadaan ito sa ospital para kumustahin silang mag-ina. Minsan naman sa gabi ay doon din ito dumediretso para samahan siya sa pagbabantay kay Rafael. At halos buong araw niya din itong nakakasama sa ospital kung wala lang din naman itong pasok sa trabaho. Ngunit sa kabila ng mga panahong magkasama silang dalawa ay ramdam na ramdam pa rin ni Arianna ang napakataas na pader na nakapagitan sa kanilang dalawa ng binata. Pader na sa bawat pagdaan ng araw ay mas nakakapaglayo sa kanila sa isa't isa. Ibang-iba na sila ngayon kumpara nang bago nangyari ang sagutan nilang dalawa. And everytime s