CHAPTER 37 Alas siyete na ng gabi nang dumating si Ronniel sa ospital. May dala-dala itong pagkain na take-out mula sa isang sikat na restaurant. Nakasaad sa supot niyon ang pangalan ng establisimiyento. Ilang minuto lamang ang layo niyon mula sa ospital na kinaroroonan niya. Hindi maiwasang makaramdam ng saya si Aria sa kaalamang tinotoo ng binata ang sinabing sasamahan siya nito sa pagbantay ngayon sa kanilang anak sa ospital. Despite their misunderstanding, she felt happy knowing that he still cares about them. He still cares about their child. Pagkapasok nito sa silid na kinaroroonan niya ay agad na nitong inasikaso ang mga dalang pagkain at isinalin sa mga lalagyan na dinala ni Manang Rosa mula sa kanilang bahay. Manang Rosa came a while ago. Dapat ay ito ang kasama niya ngayon sa