BUONG ARAW na gibambala ng pag-iisip niya si Georgina. Dahil lamang sa isang relo, nalaman na nila ang taong nasa likod ng lahat. Hindi ba't dapat ay masaya siya? Gayo'ng batid na nila ang tunay na kulay ng kalaban at kung sino ito? Ngunit bakit sa sarili niya, hindi siya masaya bagkus ay tila siya binalutan ng isang latigo na puno ng maraming tinik. Bakit ikaw pa Airish! Sa dami ng tao na maaring mag traydor sa akin?! Nanunumbalik sa kaniyang alaala kung papaano sila naging magkaibigan ni Airish sa mahabang panahon. Malabong pumasok sa kaniyang isip namaari siyang traydurin nito. Then she remember what she said on the Hospital. Pilit nitong sinasabi na ang nanakit sa kaniya ay isang lalaking matangkad na may suot na maskara, isang tao lang agad ang pumasok sa kaniyang isip, ngunit h