BATID NI Georgina na malaki ang kaniyang kakailanganing pera upang maisagawa ang lahat ng plano, ngunit hindi ito malaking balakit para sa kaniya. Dahil sa masidhing pagnanais ngayon ay gumawa siya ng hakbang at kinausap ang mga kapatid. Mayroon siyang bagong naisip na nais niyang isagawa agad sa mga oras na ito. “What is you plan?” tanong ni Wesley habang magkakasama silang tatlo ngayon na kumakain ng agahan. Ito lamang ulit ang unang pagkakataon na nakasabay niya ang mga kapatid na kumain sa hapag-kainan ngunit kulang pa sila ng isa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagpapakita si Celestine. Batid niyang nasa mabuting kalagayan ang kapatid, datapwa't wala ito sa sariling condo unit nang magpunta siya roon kahapon lamang. Nasiguro niyang nagbabakasyon ito dahil patuloy na gumagana ang