“WHAT IS that?” takhang tanong ni Georgina sa bagay na hawak ni Calixta. Kararating lang nito sa Hospital upang sandaling dalawin si Celestine at dalhan siya ng damit pamalit, matapos ay aalis din upang asikasuhin ang ilang trabaho sa organisasyon dahil umalis na si Wesley kagabi rin at nagtungo sa isang Isla upang magturo sa kanilang mga bagong myembro. “Our first biggest transaction and mission together,” tugon ni Calixta at iniabot sa kaniya ang isang itim na envelope at isang flashdrive. Nang maiabot ito sa kaniya ay inilapag nito ang bag na naglalaman ng dinala nitong damit para sa kaniya at tumingin sa kanilang bunsong kapatid. Kasalukuyan pang nahihimbing si Celestine sa kama nito dahil alasais pa lang naman ng umaga. “Oh, wow!” bulalas niya nang mabasa ang laman ng mga papel na