NGUMISI si Georgina nang makita niya sa binocular na hawak ang paghinto ng mga sasakyan sa gilid ng isang abandonadong warehouse, kung saan magaganap ang transaksiyon ng grupo ni Airish na Phantom Austere at ng grupong Black Magic. Apat na sasakyan ang magkakasunod na pumarada matapos ay bumaba ang maraming mga lalaki. Pinaggitnaan nila ang isang babae na nakasuot ng pulang damit at sumbrero. Dahil nasa bubungan siya ng warehouse ay hindi niya makita ng mukha nito dahil sa suot na sumbrero pang sumer. Ganoon pa man ay tiyak siyang si Airish ang nilalang na ito base sa maarteng paglalakad papasok sa loob ng warehouse. “Welcome to the hell,” wika niya at mahinang tumawa. Marahan siyang naglakad sa bubungan at pilit na pinagaan ang sarili upang hindi magkaroon ng ingay, matapos ay umupo siy