BUMABA si Georgina sa sala habang nakasuot ng isang bistada. Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang magsuot ng ganitong damit pagkatapos nilang mag-almusal ni Calixta. Bitbit niya papunta sa sala ang dalawang briefcase na nakuha nila ni Calixta sa ginanap na transaksiyon nila Airish at Gabriel. Wala siyang naabutan sa sala kaya naman dumiretso na siya sa garahe upang kunin ang kaniyang sasakyan at nagmaneho paalis. Huminto siya sa tapat ng nakasaradong malaking gate ng kanilang Mansion at may dalawang Security Guard and nagbukas ng gate para sa kaniya. Kanina dumating ang mga Security men na ito, nasa sampu ang kanilang bilang at pinalibutan ang Mansion para sa sekyuridad. Hindi puti ang kasuotan ng mga ito kung ‘di itim, nagmukha tuloy men-in-black ang mga ito. Nang bumukas ang gate