MABILIS ANG pagpapatakbo ni Georgina sa kaniyang sasakyan habang namamasa ang kaniyang mga mata at bahagyang hindi makakita dahil sa mga ito. Mabigat at masikip ang kaniyang dibdib at hindi makahinga. Hindi niya inakalang ganoon ang mga nangyari noon sa pagitan nilang dalawa ni Tyrone. Isang pagmamahalan na kalaban ay pangyayari at lahat ng taong nakapaligid sa kanilang dalawa. Ni minsan ay hindi niya ito naisip, paano niya nagawang kalimutan ang lalaki at magmahal ng bago, gayoong may isang lalaki ang nagdurusa dahil sa kaniyang pagkalimot dito. Nakaramdam siya ng pagsakit ng kaniyang ulo, kaya naman agad siyang napahawak dito. Mabilis din ang takbo ng kaniyang sasakyan. Dahil sa pankalabo ng paningin sa luha at pananakit ng ulo ay hindi niya napansin ang pagdaan ng sasakyan niya sa isa