PAKIRAMDAM ni Tyrone ay bagsak na ang kaniyang katawan sa panghihina, dahil sa pag-iisip. Mag-iisang oras na simula nang ipasok si Georgina sa Emergency Room ngunit hindi pa lumalabas ang Doctor o kahit man lamang isa sa mga nurse. Hindi na tuloy siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. “I'll get you a water, wait me here okay?” paalam sa kaniya ni Gab at tumayo upang maghanap ng mabibilhan ng mineral water para sa kaniya. Nakasalubong nito ang humahangos na si Calixta ngunit hindi nila kilala ang isa't-isa kaya naman hindi nagpansinan ang dalawa. Kaagad na isinuot niya ang maskara sa kaniyang mukha nang makitang papalapit ito sa Emergency Room. “Calixta Lewis right?” siya na ang unang nagtanong dito habang nananatili sa kaniyang kinauupuan. Kilala niya na halos ang lahat ng kapatid ni Ge