ORAS DIN ang kanilang inantay hanggang sa tuluyang lumabas ang doktor at sabihing maayos na ang kalagayan ni Georgina. Kaagad itong inilipat sa isang silid at sinabing babalikan sila ng doktor pagkatapos mailabas ang resulta ng ilang test na ginawa dito. Nakahinga nang maluwag si Tyrone, at hindi malaman kung ano ang dapat na maramdaman. Masaya siya nang malaman na ayos na ang kalagayan nito, ngayon ay kasalukuyan na lamang nilang inaantay na mailipat ito sa isang silid. Nauna silang magtungo sa kwarto na pinagdalhan sa kanila ng isang nars. Nabawasan na ang bigat sa kaniyang dibdib at ang malalim na pag-iisip sa kalagayan ng babae. “Hindi ko pa rin matawagan si Wesley, masiyado itong abala sa pinuntahan nito. Sana pag-uwi niya ay okay na si Georgina.” Kinagat ni Calixta ang ibabang lab