“YOU LOST your phone?” tanong ni Wesely sa kaniya na agad niyang ikinatango. Kasalukuyan siyang nasa kaniyang bahay at si Wesley mismo ang nagtungo rito upang makausap siya. Ngayon ay nasa dinning sila habang magkaharap na kumakain. “Kung alam ko lang na mawawala ang cellphone ko that night, hindi na sana ako pumunta pa sa party na 'yon.” “It's fine, madali lang naman ibalik 'yan.” Ngumiti si Wesley habang sarap na sarap sa kanilang kinakain. Dinalhan siya nito ng isang box ng cake ng paborito niyang brand at ito ang kanilang kinakain ngayon. “Why it seems like you're so happy today?” takhang tanong niya rito. Bihirang magtungo rito si Wesley at iilang beses lamang niya ito makitang nakangiti. Nagmumukha tuloy itong bipolar sa tuwing ngumingiti sa kaniya. Wesley chuckled. “Ano nga