DIVINE 15 TAON ANG NAKALIPAS... KASALUKUYAN akong nagluluto ng pancake nang marinig ko ang mga sunod-sunod na sigaw ng mga anak ko. “Mommy, dede!” anang Alezer, ang bunso at isang taon kong anak. “Mommy, where’s my phone?” malakas namang tanong ni Allizander, ang panganay kong anak. Ang bata-bata pa makakalimutin na kaagad. “Mommy, iyong hair band ko nasaan na po?” rinig ko namang tanong ni Daniella, ang pangalawa kong anak. Isa rin ito, makakalimutin. Bilang ina, kailangan ko silang tulungan kaya naman binitawan ko ang siyanse at lumabas ng kusina. Nakita ko si Alezer na nakahiga sa carpet at nagkakakawag pa ang mga paa. Nilapitan ito at kinarga. Isang taon pa lang pero ang timbang ay parang pantatluhang taon na. “Mommy, dede.” “Okay.” Kinuha ko ang kaniyang tsupon na nasa sofa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books