THIRD PERSON NAGING chettah ang takbo ni Alexander na tinahak ang mahabang pasilyo upang tumungo sa room kung saan naka-admit si Divine. Mayamaya pa'y nakita niya si manong Lando kaya kaagad siyang nagpatiunang nilapitan ito. “How is she?” nag-aalalang tanong niya. “Ayos naman po, Sir. Pero may— may kailangan kayong malaman,” malungkot na turan ng matanda. Nangunot ang noo niyang pinagmasdan ito at kinakabahan ang kaniyang dibdib. Ano ang kailangan niyang malaman? “What is this?” “Naagasan po si Divine.” “W-What?” naguguluhan niyang tanong. "Ayon ho ang sinabi ng doktor sa akin kanina. Nalaglag ang anak niyang dinadala." “s**t!” mura niya at pumasok sa nakasarang pintuan. Doon nakita niya si Divine na malayang nakahiga at mahimbing ang pagkakatulog. Nilapitan niya ito at tinabi