DIVINE NATIGALGAL akong tumingin sa kawalan at paulit-ulit na rumerihistro sa aking isipan ang aking mga nalaman. Nananginip ba ako? Baliw na ba ako? Mayamaya pa’y biglang bumuhos ang aking luha. Emosyong kailan ma’y hindi ko malilimutan. Kung totoo man ang lahat ng iyon, naloko ako at isa pala akong kabit. Nakakainis! Napa-angat ang mukha ko sapagkat biglang bumukas ang pinto at bumungad doon si Carl na naka-half-naked. Pinakatitigan ko ang mukha niya na parang hindi niya ako niloko sa ginawa niya sa akin. Buntis ako at siya ang ama. Pero bakit ganoon? Isa na pala akong kabit ngayon? “Ano namang kadramahan ito?” Naglakad siya palapit sa kama sabay kinuha ang teleponong kanina’y aking hawak. “Umamin ka nga, Carl!” Tumayo ako at hinarap siya. Imbis na pansinin ako ay itinuon niya ang