DIVINE ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS… Malaya nang nailibing si Insoy at nanay Velda. Nakakalungkot lamang isipin dahil sila lang ang nagpapasaya sa akin kapag ako’y malungkot. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Ang mga pulis naman daw ay wala pang lead sa paghahanap kay Francine. Mas lalo itong nadagdagan ng kaso dahil sa pagkamatay ng kapatid ko. Pinapangako ko na hindi lang siya basta-basta ikukulong kundi papahirapan ko rin siya sa loob ng selda. Kami na lang ni Carl ang magkadamayan. Kami parati ang magkasama. Siya na rin ang mahal ko at ang Alexander na iyon ay wala nang puwang sa aking puso. Masyado kasing possessive ng magka-amnesia. Habang naadar ang mga araw at linggo ay palaki na nang palaki ang tiyan ko. Nakapagpa-ultra sound na ako’t totoo talagang may bata sa aking sinapupunan.