NATUTUWA si Rena dahil subsob na sa pagsusulit si Erman. Kasabay niya ito habang nagre-review. Nagre-review rin siya ng mga lesson niya sa academy. Modular ang lesson niya dahil ayaw ni Erman na may oras ang pagpasok niya sa classroom. Hindi naman obligadong mag-enroll siya ng lahat na subject. Biyernes ng gabi pagkatapo ng hapunan ay deretso kaagad sila ni Erman sa kuwarto nito. Doon na sya natutulog dahil mas safe raw siya roon. Magkatabi sila sa study table at parehong may reviewer. “Next month na ang final examination at ritual activities ko,” sabi ng binata. “Talaga? Ibig sabihin naipasa mo na ang una at ikalawang pagsusulit?” masiglang saad niya. “Yap. At ang sabi ni daddy, after two months, malalaman na natin kung ano ang desisyon ng Panginoon namin. Pero sigurado naman si daddy