PAGBALIK nila ni Erman sa kuwarto nito ay nagkaroon na ng ilaw. “Bakit lumabas ka na ganyan ang suot mo?” tanong ni Erman. Tiningnan naman ni Rena ang kanyang katawankatawan. Napangiwi siya nang mapansin na wala siyang suot na bra. Medyo makapal lang ang t-shirt ni Erman kaya hindi masyadong halata kung hindi tutuunan ng pansin. “H-hindi naman halata na wala akong bra. Isa pa madilim kanina at wala namang ibang nakapansin sa akin. Dapat ay pupunta ako sa kuwarto ko pero nagkita kami ng daddy mo,” aniya. “At humarap ka pa kay daddy na ganyan ang suot mo?” naniningkit ang mga matang sabi ni Erman. “Ano, hindi naman niya napansin, eh.” “Paano mo nalamang hindi niya napansin?” Naninigas ang panga nito. Naiirita na siya sa pan-uusig ni Erman. “Ah basta, kalimutan mo na ‘yon. May ilaw n