TUMATANGGAP na ng lutong pagkain ang sikmura ni Rena. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Alessandro bakit hindi na siya masyadong nagki-crave sa dugo. Once a day na lang siya umiinom ng dugo at isang baso lang. She also felt some changes in her body and behavior. Feeling niya ay nadagdagan ang edad niya. Hindi na siya mabilis mairita kapag nagugutom. Medyo mas mature na rin siyang mag-isip. Hindi katulad noong una na parang bata na sensitibo ang kanyang emosyon. Tanghali noon at kasabay niyang kumakain sina Charie, Rhomz , Farah. Mga bagong kaibigan niya ang mga ito. Nasa iisang mesa sila, katabi ng mga lalaki. Mas maingay pa sa kanila ang mga ito. Natutuwa siya sa biruan ng mga ito. Magkakasama sina Rafael, Symon, Dylan, at Elias. Humabol naman si Derek. Kailan lang niya nakilala an