KARARATING lang ni Erman mula Maynila kasama sina Elias, Rafael at Symon. Nagsagawa sila ng rescue operation doon dahil sa ilang lugar na marami pang tao. Ang iba ay iniwan nila sa safe houses ng gobyerno. Inabot din sila ng mahigit tatlong araw roon. Pagbalik nila sa Cebu ay dumeretso siya sa safe house na tinutuluyan ni Rena. Nagtataka siya bakit hindi niya nasasagap ang aura ng dalaga. Madilim ang buong bahay sa loob. Tatlong guwardyang bampira na lang ang nagbabantay sa labas. Nag-teleport pa rin siya patungo sa kuwarto ng dalaga. The room was clear. Rena was not around. Inisip niya na baka inilipat na naman ito sa ibang safe house. Inisa-isa niya ang safe houses sa buong Cebu, maging sa safe house niya sa CDO. Wala si Rena. Hindi na maganda ang pakiramdam niya. Marang may nangyarin