First time ni Aya na pumasok sa isang. Hindi siya nag-e-enjoy. Parang estatwa lang siya do'n na nakatayo sa isang sulok habang nakatingin kina Claire at Melody na sobrang enjoy sa pagsasayaw sa dance floor. Para payagan ng kanyang ate Atasha - as usaual ito lang ang kasama niya sa bahay - ay hinatid siya sa bahay ni Melody bilang paalam niya na doon siya natutulog sa bahay ng kaibigan dahil may project na gagawin. First time niya magsinungaling kaya nakakaguilty pero aminado rin siya na mas nanaig ang excitement na nararamdaman niya. Siyempre, parang dumaan sila sa butas ng karayom para makapasok sa Meg'Z Zone. Duda ang security guard na mga minors sila kaya pinigilan sila nito. Marami itong tinanong sa kanila na tila hinuhuli sila para mapaamin sa tunay na edad nila. Lingid sa kaalaman