Nalaman na ni Aya ang nangyari sa ama ni Yuan. Nalaman niya nang manood siya ng balita. Kusa na itong sumuko para panagutan ang pagkakasala sa batas. Umasa siya na ang nangyaring eskandalo sa ama nito ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa kanya dahil naramdaman niyang nagsisinungaling ito ng sinabing hindi na siya nito mahal. Pero pinapaniwala lang pala niya ang sarili niya. Sobrang tanga niya na sa pangatlong pagkakataon ay gumawa siya ng paraan para makaharap ulit ito sa tulong ng mga kaibigan nito. Wala siyang pakialam kung tingin ng mga tao ay kriminal ito o anak ng sindakato, tanggap niya ang buong pagkatao ni Yuan. Pero nang puntahan niya ito sa address ng bagong apartment nito na binigay ng mga kaibigan nito ay natunaw lahat ng pag-asa sa puso niya. For the third time pinagtabu