Nakayuko si Yuan habang kaharap ang magulang ni Aya. Nasa marangyang sala siya ng pamilyang Chen - nakatayo lang siya doon. Hindi man lang siya inalok ni Mrs. Chen na umupo na noo'y prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa. Nakadekuwatro. Taas kilay na nakamata sa kanya. Nararamdaman niyang hindi siya welcome sa bahay ng mga ito ngunit lahat ay handa niyang gawin kahit maalipusta o mapahiya man basta makaharap lang si Aya. Isa pa buo na rin ang loob niy na kausapin ang mga ito hinggil sa relasyon nila ng nobya. Pakakasalan na niya si Aya. Labis ang pag-aalala niya kay Aya. Ilang araw na niya itong hindi nakikita o nakokontak. Laging naka off ang cellphone nito. Inaabangan niya ito sa school nito pero bigo pa rin siya na makita ito. Kaya naglakas loob na siyang pumunta doon. "Akala ko