Nabigla si Aya nang sinalubong siya ng sampal ng kanyang ina pagbukas pa lang niya ng pinto. Galit ang aristokrata nitong anyo. Alam niyang may kasunod pa iyon kaya tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha niya para protektahan sa iba pang sampal ng kanyang ina. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Naroon rin ang kanyang ama pero sa halip na pigilan ang kanyang ina ay mabigat ang mukha na yumuko lang ito. Nanlulumo. "Mommy a-anong kasalanan ko?" "How dare you for ruining our family's name Aya! You slept with that bastard!" Napaurong si Aya. Gimbal ang mukha. Hindi niya magawang mangakatuwiran sapagkat nasukol na siya ng kanyang ina. "Akala mo hindi namin malalaman? We have our source Aya! Bawat galaw mo ay alam namin! And you - " Dinuro siya ng kanyang ina. "You're such a young b*