Nakasimangot na si Aya habang sinulyapan si Yuan na kanina pa hindi maistorbo sa pagtra-trabaho. Sa kawalan ng magagawa ay kinalikot niya ang cellphone nito na tanging call history lang sa mga kaibigan nito ang laman. Excited pa naman siyang tumingin sa inbox nito pero wala naman pala siyang interesting text messages na makikita. Mga text lang ng subscription nito sa network ang laman na tinamad pa yata i-delete. Siya pa nga ang nag-install ng games para may mapaglibangan siya. Pero at least nagdiwang ang puso niya dahil puro picture niya ang laman ng gallery nito. Napabuntong-hinga siya. Talaga bang hindi na siya papansinin nito? Ganoon pala ito ka tutok kapag kaharap na ang trabaho nito. Tumayo siya. Sinadya niyang magyapak lang kahit malapit lang naman ang sandal niya. "Hindi