FIVE YEARS LATER Malalim na napabuntong-hinga si Aya habang lulan ng taxi. Limang taon siyang nawala. At malaki na ang pinagbago ng lugar na naging kanlungan niya sa loob ng maraming taon. May nagtatayugang building na sa bawat madaanan niya na noon sa pagka-aalala niya ay bakanteng lote lang o maliit na commercial building lang iyon. Hangga't maari ay ayaw na sana niyang bumalik pa sa Pilipinas. Para ano pa? Wala naman siyang babalikan pa. Ayaw na rin sana niyang makita pa ang ina dahil sa matinding pagkapoot na nararamdaman niya para dito. Nang tumuntong ang mga paa niya sa Amerika ay sinumpa niya sa sarili na kailan man ay hindi na niya dapat makita pa ang ina. Pero hindi pa rin pala niya ito matiis. Akala niya nilamon na siya ng galit. Pero hindi niya akalain na ito rin pala ang dahi