Hinaplos ni Aya ang buhok ng natutulog na ina. Napagod ito sa kaiiyak sa paghingi ng kapatawaran niya. Sinungaling siya kung sa sasabihin niya na sa isang iglap lang ay nawala ang galit niya sa kanyang ina nang makita ang kalagayan nito. Pero mas nanaig sa kanya ang awa at pag-aalala para dito. Hindi niya akalain na halos buto't-balat na lang ito at nakaratay na lang sa kama. Nawala na ang proud at glamorosang Divine Chen. Ang nakita niyang nakahiga sa kama nang dumating siya ay isang babaeng laylay na ang balat sa sobrang payat, walang sigla ang kulay ng balat na nagkukulay ube ang paligid ng mga mata at labi. Napakahina na nito, halos hindi na nga mabiling ang ulo. Gusto nitong hawakan siya sa pisngi pero wala na itong lakas para itaas ang kamay nito. Sa Amerika pa lang ay sinabi