"Am I late?" Tila natuka ng ahas na hindi makahuma si Aya nang marinig ang boses na iyon mula sa kanyang likuran. Limang taon na ang nakakaraan pero kilalang-kilala pa rin niya kung sino ang nagmamay-ari ng baritonong boses na iyon. It was Yuan. Napahigpit ang hawak niya sa tinidor. Kompleto na ang lahat at ito na lang ang wala pa kaya akala nila ay hindi na ito makakadalo pa sa dinner na na iyon. Kahit papaano ay nakaramdam pa rin siya ng warm welcome sa magkakaibigan sa kabila ng hindi magandang nangyari sa kanila ni Yuan. Pero hindi maiwasan na magtaka ng mga ito kung bakit nawala na ang dating talkative at masayahing Aya. Napuna kasi ng mga ito ang pagiging tahimik niya. Nagsasalita lang siya kung tinatanong na. Noon kasi halos hindi siya nawawalan ng maikukuwento o mga tanong