Isang linggo na simula nang nag-umpisang magtrabaho sa isang bakeshop si Aya. Sikat ang naturang bakeshop na sa pagkakaalam niya ay may branches na nationwide. Sold out palagi ang tindang tinapay at cakes. Kahit nga siya ay sobrang na impressed nang matikman niya ang bestseller na black forest na mismong may-ari pa ang ng bakeshop ang gumagawa. Hindi pa niya na me-meet ang may-ari na minsan lang daw sa isang linggo bumibisita sa bakeshop at base sa mga kuwento ng mga kasamahan niya sa trabaho ay sobrang bait daw. Pito lang sila ang staff sa bakeshop. Ang Manager, siya bilang sa counter, isang kitchen helper at dalawang bakers. Lahat ay pawang lalake at siya lang ang babae. Sa makling panahon ay nakapalagayan niya kaagad ng loob ang mga ito dahil sa likas na pagkalog at hindi pinaram