"Sir Yuan, si Ma'am Hannah po nasa labas, gusto ka raw makausap. Should I let her in sir?" Natigilan si Yuan sa binabasang papeles sa sinabing iyon ng kanyang sekretarya. Mabilis makatunog si Hannah na dumating na sila ni Aya mula sa Amerika. Kasama nila ang lola Mildred nito at ang katulong sa pag-uwi. Naproseso na nila ang lahat ng kailangan sa divorce. Desisyon na lang ng korte ang kanilang hinihintay. Sa karaniwang divorce proceedings sa Amerika ay umaabot sa anim o higit sa isang taon ang pag-di-diborsyo. Kailangan nilang maghintay ni Aya. Pero may nakausap na siyang mga tao sa Amerika na maaring makapagpadali sa divorce nina Aya at Marco. Kung pwede lang sana ma proseso sa isang araw ang divorce ay baka doon pa lang ay pinakasalan na niya si Aya para wala ng maaring makapaghihiwal