Nahilamos ni Yuan ang kamay gamit ang kamay. Magdamag siyang walang tulog pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Alas onse na nang gabi nang ipasok si Aya sa Operating Room. Sumapit na lang ang ala-sais ay wala pa ring lumalabas na doctor. Sobrang nag-aalala siya ay ilang beses na siyang nagtangka pumasok pero pinipigilan siya ng mga kaibigan at kapatid ni Aya. Taga lumalabas na Nurse ay tinatanong niya kung ano na nangyayari sa loob pero iisa lang sagot ng mga ito - hindi pa raw tapos ang operasyon. Ilang beses na niyangg inuntog ang ulo sa pader sa pagbabakasaling panaginip lang ang lahat. Pero nararamdaman niya ang sakit hindi lang dahil sa pagkakauntog kundi maging hapdi sa puso niya. Hindi niya makakaya kapag may mangyaring masama kay Aya. Ni hindi na niya nagawang hugasan ang