"Are you okay?" Tumango lang si Hannah sa tanong na iyon ng kanyang bodyguard. Kagagaling lang niya sa hospital. Pinaalis siya ni Yuan. Nanghihina siya sa mga nangyayari. Wala siyang tulog. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay bumabalik lang sa utak niya ang pagkakabundol kay Aya. Bagaman malaki ang galit niya sa kanyang karibal ay hindi naman niya gusto na mag-suffer ito ngayon sa hospital. "Ihatid mo na lang ako sa bahay nina Daddy. Gusto ko siyang kausapin." Isa pa sa nagpapasikip sa kanyang dibdib ay ang hinala na baka ang ama niya ang nasa likod ng lahat. Hindi nga ba't sa huling pag-uussap nila ay nagbanta pa ito na magbabayad sina Yuan at Aya sa pananakit sa damdamin niya? Oh God! Sana mali siya ng hinala. Sinapit nila ang bahay ng kanyang magulang. Agad siyang bumababa. H