Huminto ang kotseng minamaheho ni Yuan sa tapat ng bahay nila Aya. Kasama niya si Lola Mildred. Pareho nilang haharapin si Divine Chen upang ibigay ang kanilang kapatawaran sa ginawa nito. Noon pa gusto ni Aya ang na magkaayos silang lahat. Sayang nga lang at hindi iyon masasaksihan ng nobya dahil comatose pa rin ito sa hospital. "Lola, Yuan." Sinalubong sila ni Ariane. Nagmanano ito sa lola nito. Si Atasha ang naiwang nagbabantay sa hospital kasama sina Claire at Melody. "Nasaan siya?" Tanong ni Lola Mildred na hindi pa man nakikita si Divine Chen ay lumuluha na. "Nasa kuwarto po. Lola, maraming salamat po!" Umagos na rin ang luha ni Ariane na niyakap ang matanda. "Gagawin ko ang lahat para sa ikakaligaya ni Aya apo, lalo na ngayon, nalalabi na lang ang araw na pwede natin siya maka