"Lola, kung kayo sumusuko n. Ako hindi pa. Makakaya ito ni Aya lola, maniwala ka!" Lugong-lugo si Yuan nang ang matanda na mismo ang nagbukas ng usapan tungkol sa pagpayag na alisin ang life support ni Aya. Muli na naman kasi ni revive si Aya. Pang ilang beses na iyon buhat nang ma-confine ito sa hospital na iyon. Makikita sa kalagayan ni Aya na nag-su-suffer na ito ng husto dahil bahagya ng na deform ang dibdib nito sa paulit-ulit na pagbomba at kuryente doon. Halos namumula na rin ang buong katawan nito likha ng bedsore. Hindi kasi sapat ang punas-punas lang. Halos hindi na makilala ang nakapikit na nobya. Humumpak na ng husto ang pisngi nito. Mas lalong naging manipis ang katawan nito. Sa makakakita ng kalagayan nito ay maaring mag-isip o makapagpasalita na hindi na ito magtatagal. Pe