"Aya we need to talk." Napatda si Aya mula sa kinatatayuan sa biglang pagpasok na iyon ni Isaac sa classroom. Wala ng tao do'n, siya na lang ang natitira dahil inutusan siya ng kanyang adviser na check-an ang mga test papers, may pupuntahan daw ito at iwan na lang daw niya ang susi ng classroom sa security guard. Duda siya na nakipagsabwatan ang adviser niya kay Isaac. Ilang linggo rin niya kasi itong iniiwasan, umabot pa sa puntong hindi na niya pinapasukan ang subject nito. Ilang beses itong nag tangkang kausapin siya pero lagi itong bigo. Ngayon ay na corner na siya nito, wala na siyang kawala. Sinalansan niya ang mga libro at pinasok sa kanyang bag. Laglagpasan pa sana niya ito pero hinawakan siya nito sa braso. Sinubukan niyang magpumiglas pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak n