Bubuksan na lang sana ni Yuan ang gate ng kanyang bahay nang matigilan. Sa sulok ng mga mata ay may nakitang pamilyar na pigura na nakahiga sa gutter. May bumangon na takot sa kanyang dibdib nang ganap na mapagtanto na si Aya 'yon. Agad niyang dinaluhan ang nobya. "Aya! Ano'ng nangyari? Wake up!" Taranta siyang lumuhod. Sinandal ito sa kanyang dibdib. Pinakiramdam ang pulso nito. Nakahinga siya ng maluwag nang normal pang pumipintig iyon. "Wake up, Baby!" Bahagyang minulat ni Aya ang mata nito nang tapikin niya ito sa pisngi. "What happened?" Umiling ito. "Wala..." sagot ng nobya na muling napapikit. "Ano'ng wala? Hindi kita madadatnan dito ng nakahandusay lalo na at gabi na kung wala lang." "Gusto ko pang matulog." Napabuntong-hinga si Yuan. Binuhat na lang nobya. Binuksan niya ang