Dinama ni Aya ang banayad na simoy ng hangin na dumadampi sa kanya pisngi. Relaxing para sa kanya ang huni ng mga alon. Nakalimutan niya pansamantala ang trauma na inabot niya kay Isaac. Sinampahan nila ito ng kaso ngunit nakapagpyansa. Pero pinagbawalan ito ng batas na lumapit sa kanya. Kinuha nila bilang witness ang security guard ng school na no'ng umpisa ay tumanggi pa pero kalauna'y binagabag marahil ng konsensya kaya umamin na binayaran ito ni Isaac para manahimik, maliliit pa daw itong mga anak kaya napapayag at sa takot na rin na nawalan ng trabaho. Pinatalsik rin si Isaac bilang teacher sa eskwelahan nila. Hindi maiwasan na maging usap-usapan ang nangyari kaya may isang linggo rin siguro na nag excuse siya sa klase. Nakita niya kung ano'ng nangyari sa mukha ni Isaac, muntik na ni