Balik na normal ang buhay ni Aya. Hindi niya masasabing fully recovered na siya sa masamang nangyari pero bumalik na siya sa dati ng nakagawian. School-bahay-Yuan. Humupa na rin ang usap-usapan tungkol sa kanya sa school, paano ba naman kasi may bago na naman schocking event na nangyari. Si Samantha, ang Campus Queen nila huminto sa pag-aaral at napabalitang buntis daw. Hindi naman sa natutuwa siya sa nangyari sa ka-schoolmate niya pero lihim niyang naipagpasalamat na nabaling dito ang atensyon ng lahat. "Kailangan ba natin gawin 'to?" tanong ni Aya sa kaibigan na si Melody. Hawak niya ang Isang malaking banner na may nakasulat na 'WE LOVE YOU EVAN!'. Pupunta daw sila sa photoshoot ng naturang binata para magpakita ng suporta. Kung siya lang masusunod mas gusto pa niyang umuwi na lang par