"Galit ka ba?" tanong ni Aya sa nobyo. Palabas na sila sa Presinto ng pulis - doon ang bagsak nila matapos ang kaguluhan. Gusto silang ipakukulong ng babaeng kasama ni Evan na nakilala nila sa pangalan na Cynthia Reyes - modelo din, sikat daw. To make it more precise sinira lang naman nila ang mukha ng Supermodel ng pinas. Iyong payat na iyon daw ang tinitingala sa modelling industry. Napuno ng kalmot ang mukha nito, nag mistulang pusa na kinulang sa aruga dahil nagkapunit-punit din ang damit. Paano kasi no'ng sumali na sabunutan si Claire ay doon na bumagsak ang babae. Nakakahiya man matawag na war freak pero pinagtulungan nila ito. Pero dahil menor de edad pa sila ay hindi sila nito mapakulong. Pinatawag ng mga pulis ang magulang nila. Agad naman na dumating ang mga magulang nina Melo