“Kenzo kasi…” utal niyang simula. Nais naman niyang magpaliwanag pero hindi talaga niya alam kung paano magsisimula. At isa pa, nais niyang maramdaman ang sinasabi nitong gagawin nito sa kanya. Hard f_ck. Iyon ang sinabi ni Kenzo. Ano ba ang hard f_ck? Paano ba ito gawin ng isang Kenzo Fisher? Sinulyapan niya si Kenzo na nakatingin sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya. Hanggang bukas lang siya ng bibig pero walang salitang lumalabas para magpaliwanag siya. Na para bang sinasadya ng kanyang sarili na huwag magsalita para makuha ang parusa. “Aila!” malakas na sigaw ni Kenzo sa kanya. Napapitlag pa siya at natakot sa galit na mga mata nito. “I’m sorry,” paumanhin niya at nagyuko ng ulo. Hindi na niya makayang tagalan pa ang pagtingin sa mga mata nito. “F*ck!” mura ni Kenzo at m

