"Kenzo sa lunes sumama ka sa Papa mo sa opisina para maipakilala ka na niya sa mga board members," saad ng Lolo niya sa kanya habang kumakain sila ng almusal sa hapag kasabay ang kanyang Papa. Noon kasama pa nilang mag breakfast ang Mama niya, until hindi na kinaya ng Mama niya ang ugali ng Don kaya mas pinili na lang ng Mama niya na umalis at iwan sila ng kanyang Papa. Sa nangyari sinisisi niya ang kanyang Papa. Ilang beses na rin kasing niloko ng kanyang Papa ang kanyang Mama, paulit-ulit na pambababae, bagay na hindi na kinaya ng kanyang Mama. Kaya naman hindi niya maitago sa kanyang sarili ang galit na nararamdaman niya sa ama, idagdaga na rin ang galit niya sa Don na napakataas ng tingin sa sarili na akala yata nito ito na ang pinaka perfect na tao sa mundo. Yes, successful ang Papa

