Chapter - 46

1756 Words

Nagtatakbo siya palabas ng silid ni Kenzo at nang makalabas, nakatuon sa kanya ang atensyon ng mga taong nasa may hallway. Na kung titigan siya ay para bang may ginawa siyang kasalanan. Iniling na lang niya ang ulo at nagmamadali nang tumakbo patungo sa hagdan. At ganoon na naman, sa kanya na naman nakatingin ang lahat ng naroon na para bang siya ang main character doon. Bagay na hindi magugustuhan ni Raven. Iniwasan na lang niya ang tingin ng mga ito at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. “Aila!” narinig niya ang tawag sa kanya ni Jeremiah. Sinulyapan lang niya ito at nagtuloy sa paglalakad. Hindi na muna niya ito kakausapin sa ngayon para makaiwas sa gulo. “Aila!” tawag muli ni Jeremiah sa kanya. Lalo naman niyang binilisan ang paglalakad para makalabas na ng frat house. Masyado na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD