CHAPTER 46 Ciarly's P. O. V Hindi na ako makapag-type ng maayos sa screen ng cellphone ko. Hindi ko tuloy mailagay ang script. Nahihirapan ako sa lakas ng hangin. Halos liparin na ang kapote ko. "Miss Ciarly!" tawag sa akin ni Brian, ang camera man. "T-teka! Hindi pa tapos!" aligaga kong sabi. "Mag take na kami ng video," ani Jerome na isa ring news anchor. "Sabihin mo sa 'kin kapag game na," ani Pia, ang matagal nang reporter sa amin. Medyo hindi ko lang gusto ang attitude ni Pia, dahil nga matagal na siyang reporter ay ayaw niyang nasasapawan siya. I wonder kung kelan yung time ko na ako naman ang haharap sa camera. "HINDI RINIG!" sigaw ni Brian. Nang matapos ako sa pagta-type ay tinulungan ko na sila sa pagse-set. "Kuya, pakilagay naman 'to diyan. Mababasa," sabi ko sa senior