CHAPTER 47 Ciarly's P. O. V Pauwi na kami ngayon. Hindi pa rin ako makatingin ng diretso kay Lenus. Nahihiya ako ng sobra dahil sa ginawa ko. Hindi ko akalain na papayag akong magpahalik sa ka niya! Nakaka-- AAARRGHH! "Kinuha na yung kotse ko. Dadalhin 'yon sa repair shop. Kape ka," sabi ni Lenus at binigay sa akin ang kape na binili niya sa 7/11. "Salamat, sorry dahil sa 'kin mapapagastos ka pa sa kotse mo," sabi ko. "Ayos lang. Tara na sa Van. Malamig," aniya at hinawakan ang braso ko. Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya. Nakapatay ang aircon ng Van, kulob kami sa loob. Tulog sila Jerome dahil gising lang kami kanina habang nag-aabang ng rescue. "Kapag inaantok ka, sabihin mo sa 'kin, sandal ka," aniya at tinapik ang balikat niya. Tumango lamang ako. Bumalik na yung dri