CHAPTER 48 Lenus Andrew's P. O. V Napalunok ako nang ilagay ng tatay ni Ciarly ang isang case ng red horse sa tabi namin. Actually, hindi ako pala inom dahil ayokong gayahin ako ng mga kapatid ko... So, wish me luck. "Umiinom ka ba?" tanong ni Tito. "Minsan po," sagot ko. "Oh heto ang pulutan niyo," ani Tita. Naglabas siya ng pritong manok, may chi-charon, chi-chirya, at mani. Dumukot pa muna si Tita ng mani at nilagay sa palad niya saka pumasok ng bahay. "Nasaan ang mga magulang mo?" tanong niya. "Maaga pong nawala si Papa, si Mama naman po 8 years ago nawala dahil sa breast cancer," sagot ko. "Eh paano 'yon? Balita ko may kapatid ka," sabi niya. Binuksan niya ang alak at pinaglagyan ako sa baso. Tinaas niya ang baso niya kaya ganoon din ako. Pilit akong ngumiti saka uminom. "