CHAPTER 49 Ciarly's P. O. V Kakagising lang ni Lenus. Binigyan ko siya ng soup na gawa ni Mama. Mas malakas pa pala akong uminom keysa sa kaniya. Sa lakas ba naman namin ng barkada sa bar mula noon. "S-sorry... Nakakahiya, dito pa ako natulog," ani Lenus habang nakaharap sa soup niya. "Ayos lang. Sorry din nadumihan ka dahil sa 'kin," sabi ko. "Gusto ko malaman kung anong ginawa ko, bakit mo 'ko tinulak." Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong umiwas ng tingin. Namula na naman ang mukha dahil naaalala ko kung paano niya isubsob ang mukha niya sa dib-dib ko. "Ciarly? May nagawa ba akong mali?" tanong niya. Oo, bastos kaso lasing ka, hindi mo alam. "Wala naman. Nabahuan lang ako sa 'yo kaya tinulak kita," palusot ko. "Nakakahiya naman tuloy kay Tito. Nagamit ko pa 'tong t-shirt niya.