CHAPTER 42 Ciarly's P. O. V Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Magulo, yung tipong may parte sa akin na masaya ako dahil minahal niya rin ako pero may parte sa akin na hindi na dapat pa dahil masyado niya akong nasaktan. Naiinis ako sa sarili ko, umiyak ako kahapon... Hindi dahil kay Jesrel, hindi dahil pinipilit niya ako makipagtalik sa ka niya. Kundi, dahil dumating si Lenus. Nasasaktan ako na bumalik siya. Nasasaktan ako na pinapakita niyang may pakealam siya sa akin kasi baka umasa na naman ako. Ayoko na ulit makita yung sarili ko na umiiyak gabi-gabi dahil sa kaniya. "Ate, wala pa ba si Mama?" tanong ni Rence sa akin. Nilingon ko siya na kasalukuyang nag re-review. "Pauwi na 'yon," sabi ko. Kinuha ko ang palaman ng tinapay mula sa ref. Kukuha na sana ako ng kutsara pero